Kung nais mong mag-umpisa ng mapagkakakitaan mula sa iyong tahanan, maaaring negosyo man o trabaho, kailangang mong piliin yaong naaayon sa iyong kakayanan, katangian, at iyong interes. Kung mahilig kang makipagtransaksyon, maaaring bagay sa iyo ang negosyo. Kung hindi naman, napakaraming iba’t ibang paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang.
Ano pa man ang iyong gustong gawin para magkaroon ng karagdagang kita mula sa iyong tahanan, narito ang ilang mga maaari mong pagkuhanan ng ideya.
Kung mahilig sa paglilimbag (typing)
Kung mabilis ka sa pagtatype, may ilang mga trabaho na bagay sa iyo. Ang mga ito ay ang pagka-caption, data entry, pagsasalin, online na chat, at pagsasalin medical.
Sa pagka-caption, iyong itatype ang mga pag-uusap mula sa iba’t ibang bidyu. Kailangan nito ay husay sa pakikinig at bilis ng kamay. Sa data entry naman, kailangan ang husay mo sa paghanap ng mga impormasyon na iyong aayusin ayon sa nais ng iyong kliyente. Ang pagsasalin naman ay parang pagka-caption ngunit hindi lang bidyu ang maaaring gamitin dito. Pwede rin ito sa mga files na audio lang at iyong isasalin. Sa online chat, ikaw ay sasagot sa mga kustomer ng inyong kumpanya gamit ang chat. Sa pagsasalin medical, aayusin mo ang mga impormasyong medical na kailangan ng mga doctor mula sa kanilang mga pasyente.
Kung mahilig ka sa mga salita
Kung mahusay ka sa pagbuo ng mga pangungusap, isa sa mga maaaring gawin kung paano kumita ng pera sa madaling paraan ay ang pagsusulat. Sa dami ng mga webpage na nabubuo kada oras sa buong mundo, parami ng parami ang pangangailangan sa mga manunulat.
Ilan sa mga maaari mong maging trabaho ay ang pagiging freelance na manunulat, copy editing o paggawa ng mga sulat o ibang impormasyong pinapadala sa mga kustomer ng iba’t ibang kumpanya, pag-aakda ng aklat, pagba-blog, at paglikha ng iba pang maaaring ilagay sa isang website.
Kung mahilig ka sa sining
Napakaraming paraan para ibahagi sa iba ang husay mo sa iyong sining. Isa itong mabisang paraan kung paano kumita ng pera sa Internet. Sa pamamagitan ng Internet, maaari mong ibenta ang iyong mga gawa. Ilan sa mga maaari mong ibenta ay ang iyong guhit, mga alahas na sarili mong disenyo at gawa, mga litrato, at iba pa. Kumikita ka na, nagagawa mo pa ang mga bagay na gustong-gusto mong gawin.
Kung mahilig kang magturo sa mga bata
Napakaraming plataporma kung saan maaari kang magturo online. Pwede kang sumali sa mga kilala nang mga online tutorial na kumpanya o maaari ka ring mag-alok ng iyong serbisyo ng pagtuturo sa iba gamit ang Internet. Maaari ka ring maghanap ng kliyente na gustong magpaturo sa iyo sa kanilang tahanan. Sa pamamagitan ng social media, madali mo ng ianunsyo sa iba ang mga serbisyong kaya mong ibigay.
Kung mahilig ka sa teknolohiya
Ang iyong hilig sa teknolohiya ay maaaring maging daan kung paano magkapera mula sa iyong tahanan. Gamit ang iyong kaalaman, maaari kang lumikha ng mga mobile apps, magdisenyo ng isang website, o magbigay ng teknikal na suporta sa online man o sa mismong tahanan ng iyong mga kustomer.
Kung mahilig kang tumulong sa iba
Maraming matatagumpay na mga tao sa mundo na nag-umpisa sa simpleng pagtugon sa mga pangangailangan ng iba. Kung nagbibigay sa iyo ng kakaibang kasiyahan ang pagtulong sa iba, baka maaari mo rin itong magamit bilang karagdagang mapagkakakitaan.
May ilan na nagbibigay ng kanilang mga payo o nagiging tagapagsanay sa larangan ng negosyo, sa tahanan, at sa buhay sa pangkalahatan. Ang mga tagapagsanay na ito ay handang magbigay ng serbisyo sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon at pagbibigay ng lakas ng loob para mapaunlad ang buhay nila.
Kung mahilig kang magbenta
Ito na marahil ang pinakasikat na paraan kung paano yumaman ng mabilis ay ang pagbebenta ng produkto online. Mula sa pagbebenta ng mga bahay hanggang sa mga simpleng produktong pang-araw-araw at maging mga pagkain at damit, marami na ang yumaman at nagpatuloy sa kanilang pinagkakakitaan kahit sila ay nasa bahay lamang.
May ilang mga plataporma na maaari mong gamitin para magbenta ng iyong mga produkto. Halimbawa na rito ay ang pagsali sa mga sikat na online stores tulad ng Lazada, Olx, Lamudi, at Ebay.
Kahit ano ang iyong hilig, mayroong paraan para ito ay mapagkakitaan. Ano nga ba ang iyong hilig? Paano mo ito mapagkakitaan kahit ikaw ay nasa iyong tahanan lamang?
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.