Isa sa mga magandang naidudulot ng pagkakaroon ng iba’t ibang pamamaraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang ay ang pagkakaroon ng kalayaan pagdating sa iyong kinitang salapi. Ngunit bilang isang mamamayan ng isang bansa, mayroon kang mga tungkulin na hindi dapat isantabi at isa sa mga ito ay ang pagbabayad ng buwis.
Mga Kahalagahan ng Pagbabayad ng Buwis
Kahit ikaw ay kumikita mula sa sarili mong tahanan, responsibildad mo paring ibigay ang buwis sa gobyerno. Mahirap man minsang isipin na ang perang iyong pinaghirapan ay maaari lang mapunta sa mga kurakot na kasapi ng pamahalaan, tandaang ang buwis ay mahalagang sangkap para sa kaunlaran ng bansa. Ito ay ginagamit para mailunsad ang maraming proyekto at istrukturang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mas nakararami para mamuhay ng mas matiwasay. Kaya kung ikaw ay kumita ng pera sa madaling paraan, hindi mahirap maglaan ng ilang bahagi nito para sa ating pamayanan.
Bilang isa sa mga sumisikat na paraan kung paano yumaman ng mabilis, ang pagkakaroon ng online na pagkakakitaan mula sa iyong tahanan ay isa na sa hinahabol at binabantayan ngayon ng BIR (Bureau of Internal Revenue). Huwag hayaang ikaw ay mahuling hindi nagbabayad ng buwis at mabigyan ng karampatang parusa at maging hindi magandang halimbawa sa iba.
Maliban sa mga bagay na ito, ang pagbabayad ng buwis ay mahalaga sa iyong pakikipagtransaksyon sa ibang sangay ng gobyerno kung kailangan mo ng ilang mahahalagang dokumento. Kung ikaw man ay kukuha ng pasaporte o visa, o kaya uutang o kukuha ng credit card, ang impormasyon patungkol sa iyong pagbabayad ng buwis ay kinakailangan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbabayad ng Buwis
Kung ikaw ay mayroong ibang pinagkakakitaan maliban sa iyong ginagawang paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang, ang pagbabayad ng iyong buwis ay naayon sa uri ng iyong pinagkakakitaan, kung ito man ay negosyo kung saan ikaw ang nagmamay-ari o kung ikaw ay isang empleyado.
Ang pagkakaroon ng trabahong online kung saan maaaring kang kumita ng pera sa internet habang nasa loob lang ng iyong tahanan ay isa paring malabong kategorya pagdating sa pagbabayad ng buwis. Maaari kasi itong ituring na trabaho kung saan ikaw ay empleyado at maaari rin itong ituring bilang isang negosyo.
Ang pinakamabisang gawin ay kumunsulta sa eksperto sa pagbubuwis para malaman ang mga hakbang na dapat isaalang-alang.
Mga Hakbang sa Pagbabayad ng Buwis
Handa ka na bang magbayad ng buwis bilang isang responsableng mamamayan? Narito ang ilang mahahalagang hakbang para sa iyong pagbabayad ng buwis:
A. Magkaroon ng TIN (Tax Identification Number) - Kung mayroon kana nito, hindi mo na kailangang kumuha ng bago. Kung ngayon ka palang kukuha ng iyong TIN, maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagrehistro sa sistemang online ng BIR. Kailangan mong magbayad ng limang daang piso sa bangko o sa mga ibang pasilidad na katanggap-tanggap sa BIR tulad ng G-cash.
B. Ihanda ang mga kailangang forms at iba pang dokumento - Ang mga sumusunod ang mga dapat mong ihanda sa iyong pagbabayad ng buwis: Katibayan ng kapanganakan mula sa NSO; Katibayan ng pagpapakasal mula sa NSO (kung kasal); Sedula; Katibayan mula sa iyong barangay bilang patunay ng iyong tirahan; BIR Form 1905 (kung mayroon kanang TIN at dati ka nang may trabaho); BIR Form 1901 (pagpaparehistro); BIR Form 0605 (pagbabayad)
C. Punan ang mga forms - Isang hamon sa iyong pagkakaroon ng paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang ay ang pagsagot sa mga impormasyong hinihingi sa mga BIR form. Kung wala kang ibang pinagkakakitaan, ang uri ng buwis na iyong ilalagay ay “Kinitang Buwis” at “Ibang Porsyentong Buwis”.
Kailangan mo ring ilagay kung ikaw ay may asawa o mga anak bilang kabawasan sa iyong buwis.
Ang Form 0605 ay kailangan punan sa tatlong kopya. Mayroon itong taunang bayarin para lagi mong magagamit ang iyong COR (Katibayan ng Pagpaparehistro).
Kapag napunan na lahat ng mga form, dalhin at isumite ang mga ito sa pinakamalapit na opisina ng BIR.
D. Seminar para sa pagkuha ng COR - Kung ngayon ka palang kukuha ng COR, kailangan mong lumahok sa isang seminar na aabuting lang naman ng isa hanggang dalawang oras. Maaari mong dalhin ang listahan ng lahat ng iyong mga kinita at gastusin.
E. Pagpapaimprinta ng mga resibo - Kung mayroon ka ng COR, maari mo itong dalhin sa isang imprentang kaugnay ng BIR para sa pagpapaimprenta ng iyong resibo. Ang babayaran para dito ay mula P300 hanggang P1,500, depende sa dami ng kailangan mo.
F. Porsyento ng babayarin - Ang halaga ng iyong buwis ay 3% ng iyong kita. Babayaran mo ito kada buwan sa bangko gamit ang Form 2551M. Mayroon naring e-forms na maaari mong ilagay sa iyong kompyuter para sa mas mabilis na pagbibigay impormasyon.
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.